Ang inyong Life PLanners package ay maaaring maglaman (ayon sa inyong kagustuhan), ng World International Travel Protection™. Ibig sabihin nito, kung sakaling magkaroon ng kamatayan habang kayo ay nasa ibang bansa or nag babakasyon san man, hindi na kailangang mag-alala ang inyong pamilya kung paano kayo maiuuwi sa bansa. Ang lahat ng kailangan gawin para simulan ang proseso ay tawagan lamang ang isang toll-free number at tutulungan kayo ng kanilang associate na gawin ang lahat ng mga kailangang arrangements upang maiuwi kayo sa inyong tahanan.

Kahit sa mga huling sandali ng ating buhay, may mga dokumento tayong kailangang punan at isumite sa ilang ahensya, organisasyon, pribadong kumpanya, at siyempre, sa gobyerno.
Ang aming mga Life Planners ay awtorisado na mag-alok sa inyo ng opsyon para sa Final Documents Service.

Columbaria and Gathering Place