Kung ika'y nag-aatubiling bumili ng pre-plan, nauunawaan namin. Ang ideya ng pagpaplano ng inyong funeral ay maaaring maging nakakabigla at emosyonal.
Gayunpaman, ang pre-planning ay maaring magbigay ng kapanatagan sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga mahahalagang desisyon nang maaga, naisiguro ninyo na ang inyong mga nais ay alam, at hindi na mahihirapan ang inyong mga mahal sa buhay sa pagdesisyon pagdating ng panahon.
Ang pagpaplano ng ating "Final Event" ay tunay na nagbibigay ng "kapayapaan ng isip" sa ating mga pamilya at mga kaibigan. Kapag itinakda natin ang lahat ng bagay hanggang sa huling detalye, hindi na kakailanganing mag-isip ang ating pamilya kung ano ang nais natin, saan kukuha ng pera upang bayaran ang lahat, o kung sino ang tatawagan on our behalf.
Ang kailangan lang nila gawin ay ang magluksa ng may kapayapaan. At magpaalam habang naaalala ang mga pamana at alaala na iniwan natin sa kanila.
Ang kontrata ninyo para sa inyong "Final Event" kasama ang Alternatives Funeral and Cremation Services
ay nagbibigay ng garantiya sa presyo ng mga goods at services panglibing.
Walang ibang kontrata ng insurance ang kayang magbigay ng ganitong garantiya sapagkat ang mga insurance companies ay hindi nagmamay-ari ng mga funeral home kaya't hindi nila maaaring "i-lock in" ang mga presyo na tiyak na tataas kung gaano man kalaki ang pagtaas ng inflation sa mga darating na taon.
Habang ang funeral services contract ay pirmado kasama ang Alternatives Funeral and Cremation Services, ang TruStage Life Of Canada nangongolekta, nag-i-invest, at nagpapalalim sa seguridad ng inyong buwanang premium.
At ang inyong mga pamumuhunan sa TruStage Life of Canada ay may garantiya sa ilalim ng Assuris, isang nonprofit na organisasyon sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan ng Canada upang maprotektahan ang mga may-ari ng mga insurance policies sakaling ang isang insurance company ay magka-insolvensiya.
At magkakaroon kayo ng kapanatagan sa isipan na sakaling dumating ang araw na iyon, lahat ay aalagaan.
Ang inyong "Final Event" ay magaganap ayon sa plano, gaya ng inyong nais.